5 Motorsiklo ng Pulisya, Sinunog ng mga Armadong Grupo sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Sinunog ng mga pinaniniwalaang armadong grupo ang motorsiklo na ginagamit ng pulisya makaraang tambangan ang mga ito sa kahapon ng umaga sa Brgy Mabuno, Gattaran, Cagayan.

Una rito, magsisilbi sana ng search at warrant of arrest ang hanay ng pulisya sa isang agta na most wanted person sa probinsya ng makasalubong nila ang mga rebelde na agad nilang pinaputukan ng baril.

Iniimbestigahan naman ngayon ng Cagayan Police Provicnial Office (CPPO) kung may napatay sa hanay ng armadong grupo na nakaengkwentro ng mga otoridad.


Ayon sa ulat, posibleng may napuruhan sa mga miyembro ng armadong grupo dahil sa bakas ng dugo sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Tinatayang nasa 50 miyembro ng armadong grupo ang nakasagupa ng mga pulis.

Umabot sa limang (5) motorsiklo na gamit sa operasyon ng pulisya ang sinunog ng mga armadong grupo.

Tumagal ang palitan ng putok ng baril sa 20 hanggang 30 minuto.

Facebook Comments