3 Tulak ng Iligal na Droga, Nasakote ng PDEA at PNP

83

Cauayan City, Isabela-Natimbog ang tatlong (3) kalalakihan na pawang mga High Value Target sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad dakong alas-3:30 ngayong hapon sa CMP Padilla, Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Mariano Ramos, 46-anyos, may-asawa, isang welder; Hernie Pausa, 31-anyos, may-asawa, isang driver at Ariel Andrada, 40-anyos, isang tricycle driver na kapwa mga residente sa lugar.


Nabentahan umano ng mga suspek ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga ito.

Nakumpiska sa kanila ang isang (1) brown paper bag na naglalaman ng tatlong (3) plastic na may pinatuyong dahon ng marijuana, isang (1) piraso ng itim na nelt1 bag, pera na nasa kabuuang halagang P400.00, mga cellphone, Identification Card at mga drug paraphernalia.

Habang hiwalay naman na nakuha sa pag-iingat ni Ramos ang P850.00, cellphone, apat (4) na piraso ng 9mm live ammunition, brown wallet habang nakumpiska naman kay Pausa ang dalawang (2) pakete ng pinaniniwalaang shabu at ilang personal na gamit nito.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 habang RA 10591 ang kaso pang kakaharapin ni Ramos.



Facebook Comments