Dalawang pasyalan sa Maynila, iniba na ang oras ng pagbubukas

38

Inanunsyo ng National Parks Development Committee (NPDC) ang mga pagbabago sa oras ng pagbubukas ng dalawang recreational sports o parke sa Maynila.

Sa Facebook post ng NPDC, nakasaad na magbubukas ang Rizal Park alas-5:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.


Samantala, ang Paco Park naman ay magbubukas ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ang mga pagbabago sa opening hours ng dalawang pasyalan ay para isabay sa reopening ng National Museum Complex na matatagpuan sa loob ng Rizal Park.

Hinihikayat naman ng komite ang publiko na mag-download ng StaySafe PH application para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments