3 tulak ng iligal na droga, tiklo sa 3.4 million na shabu

157

Nahaharap ngayon sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek na nakuhaan ng P3.4 Million na halaga ng iligal na droga sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Karen Leal, 32 taong gulang, John Rhens Timing, 20 taong gulang, at Jason Ymalay, 26 taong gulang.


Aabot sa 500 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek kasama ang 5 bundles ng boodle money, at isang cellphone na ginagamit sa kanilang transaksyon.

Inihahanda na rin ang patong patong na asunto laban sa mga ito.

Facebook Comments