1 Korean national, natagpuang patay sa loob ng condominuim unit sa Pasay

101

Natagpuang wala ng buhay ang isang korean national sa loob ng tinitirhan nitong condominium unit sa Cluster 2I, Palm Tree Villas, Newport Blvd. Brgy 183 Villamor, Pasay City.

Ang lalaking dayuhan ay nakilalang si CHOI CHUL, 54 years old, isang Korean National at turista dito sa Pilipinas.


Base sa report ng pulisya, sinabi ng mga korean nationals na sina Meongkyu Song at Kunwoo Kim na nakausap pa nila sa telepono ang biktima noong gabi ng sabado bago ito natagpuang patay kahapon ng tanghali.

Ayon sa dalawang Koreano, iniinda ni Choi Chul ang masakit na dibdib at hirap sa paghinga.

Subalit kahapon ng umaga ay hindi na sinasagot ni Choi Chul ang tawag ng kanyang mga kaibigan.

Dahil dito ay pinuntahan na ng dalawa ang unit ni Chol, nagpasama sila sa security guard, at ng buksan ang unit ay nakita nila si Chol na nakahiga sa kama, wala saplot pang-ibaba at hindi na humihinga.

Ayon sa Southern Police District – Scene of the Crime Operatives, natagpuan nila sa loob ng unit ni Chol ang mga gamot para sa hypertension.




Facebook Comments