3 tulak ng Shabu arestado sa Sultan Kudarat

Sinampahan na ng kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong drug suspects na naaresto sa Simuay Junction Sultan Kudarat Maguindanao.

Kinilala ni Sultan Kudarat PNP chief, CIns Esmael Madin ang mga naaresto na na sina Mama Montani, 46 years old, Sadam Montani,27 at Naot L. Montani, 38.

Nakumpiska mula sa tatlo ang 8 sachet ng shabu, marked money at 3 disposable lighters.


Naaresto ang suspeks ng pinagsanib na pwersa ng Sultan Kudarat PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM noong September 1. (DENNIS ARCON)
SK PNP Pics


Facebook Comments