Pagkawala ng suplay ng tubig, mararanasan sa ilang barangay sa Caloocan at Malabon

Manila, Philippines – Makakaranas ng pansamantalang paghina hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Caloocan at Malabon City sa loob ng labing isang oras.

Magsasagawa kasi ng service improvement projects ang Maynilad kung saan magsisimula ang interruption mamayang alas 8:00 ng gabi at tatagal hanggang alas 7:00 ng umaga ng September 6.

Ayon sa Maynilad, maari pang ma-delay ang panunumbalik ng supply, depende sa elevation ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station o dami ng gumagamit.


Pinayuhan na ng Maynilad ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon na ng sapat na supply ng tubig upang hindi maabala.

Facebook Comments