Manila, Philippines – Dumaong sa pier 15 ng Manila South Harbor ang tatlong barkong pandigma ng china para sa apat na araw na ‘goodwill visit” sa bansa.
Ayon kay Philippine Navy Captain Jonathan Zata, ang pagbisita ng mga warship ng China ay naglalayong mapatatag pa ang ugnayang militar ng Pilipinas at Chinese Navy.
Ang tatlong barko na bahagi ng Chinese naval task group ay kinabibilangan ng type -054a guided missle frigates Wu Hu (hull 539), (hull 579) at replenishment ship Dong Ping Hu (hull 960).
Nabatid na ito ang ikalawang pagbisita ng People’s Liberation Army (PLA) Navy ng China kung saan ang una ay noong Abril 30, 2017 sa Davao City.
Facebook Comments