Send off sa mga sundalo at pulis na magbabantay sa seguridad sa plebesito sa ARMM, isasagawa ngayong araw

Basilan – Magsasagawa ng joint sendoff ceremony ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police para sa pwersang ipapakalat sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Cotabato City at Isabela City sa Basilan.

Ito ay para sa gagawing plebesito ng Commission on Elections para sa Bangsamoro Organic Law o panukalang batas na papalit sa ARMM.

Ayon kay Capt. Arvin Encinas, Public Information Office Chief ng 6th infantry division ng Philippine Army, tuloy tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PNP, COMELEC at iba pang ahensya ng pamahalaan.


Aniya, sapat na pwersa ang ipapakalat nila para masiguro ang kaayusan ng plebisito at ng kaligtasan ng mga dadalo rito.

Facebook Comments