30-billion pesos na bahagi ng budget pantugon sa pandemya, hindi pa nagamit at hindi malaman kung saan napunta

Hinahanap ngayon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang 30-billion pesos na bahagi ng mahigit 389-billion pesos na inilabas ng Department of Budget and Management at ibinigay sa iba’t ibang ahensya pantugon sa COVID-19 pandemic.

Nabatid ni Lacson na mula sa nabanggit na halaga ay 359-billion pesos pa lang ang nagamit kaya dapat ay may balanse pa na 30-billion pesos.

Diin ni Lacson, napakalaki ng nasabing halaga at mapapakinabangan sana ng mga ngangangailangan ngayong may pandemya.


Facebook Comments