30-day suspension sa Davao Metro Shuttle, epektibo ngayong araw

Davao City – Epektibo ngayong araw ang preventive suspension na inisyu ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 34 units ng Davao Metro Shuttle Company.

Ito ay matapos ang nangyaring aksidente kahapon sa KM. 92 Magsaysay, Nabunturan, Compostela Valley Province kung saan umakyat na sa 8 ang patay at 30 ang sugatan.

Sa panayam ng DXDC RMN Davao kay Cattleya Acaylar, Regional Director ng LTFRB-XI, ibinunyag nito na nalagdaan kahapon, February 4, 2019 ang nasabing suspension order sa Tagum City at ngayong araw ito na-serve sa nasabing bus company.


Paliwanag ni Acaylar na ipinatupad ang 30-day preventive suspension bago pa man ang nakatakdang pagdinig upang ma assess kung kailangan na bang i-suspende o kayay i-revoke ang franchise ng kumpanya.

Kung maalala, mechanical problem ang resulta ng nasabing aksidente base sa ginawang imbestigasyon.

Facebook Comments