National Board of Canvassers, muling magko-convene sa Huwebes kaugnay ng BOL Plebiscite

Sa February 7 o sa Huwebes, muling magko-convene ang National Board of Canvassers sa Palacio del Goberbador sa Intramuros, Maynila.

Kaugnay ito ng ikalawang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law.

Muli namang nagpaalala ang COMELEC sa mga botante na kasali sa plebisito na Yes or No, oo o hindi at mga katumbas na sagot lamang sa lokal na diyalekto ang tatanggaping balidong sagot sa botohan.


Ayon kay COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez, wala nang gagawing dry run bukas at diretso na agad ito sa botohan sa sandaling magbukas ang mga polling precincts ganap na alas-siyete ng umaga.

Gagawin ang plebisito sa North Cotabato at Lanao del Norte.

Facebook Comments