Makilala, North Cotabato—Tinatayang na sa 30 indibidwal na apektado ng lindol sa Malabunan Evacuation center sa Makilala, North Cotabato ang nabiktima ng food poisoning.
Sa post sa facebook page ni acting Vice Governor Shirlyn Macasarte Villanueva karamihan sa mga biktima ng Food Poisoning ay nakaranas ng diarrhea at pagsusuka.
Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga pagamutan ang mga bitkima para mabigyan ng kaukulang atensyon ng mga doctor.
Base naman sa initial report na nakalap ng RMN Gensan News Team napag-alaman na bandang tanghali noong nakaraang araw, may naghatid ng pastil sa Malabunan Evacuation center, pero gabi na ng kinain ng mga evacuees ang nasabing pagkain.
Pagkatapos ng ilang oras, doon na nakaranas ng pananakit ng tyan ang mga nakakain nito. base sa record nasa 21 individual nalang ngayon ang nananatili sa pagamutan, 11 ang nakaconfine ngayon sa Kidapawan City Hospital, 10 sa Cotabato Provl Hospital, habang 9 naman ang out patient.
Sa ngayon, ipinagbawal muna ng mga opisyal ng Cotabato Province ang pagbigay ng hot meals o pack lunch sa mga biktima ng lindol sa mga evacuation center para maiwasan na ito ay maulit pa.