
Patuloy ang pagsulong ng Police Regional Office 1 ng Anti-Insurgency Drive sa Ilocos Region kaya naman naitala ang pagsuko ng 30 indibidwal na dating iniuugnay sa mga grupong komunista sa buong buwan ng February 2026.
Batay sa ulat ng PRO 1 para sa Pebrero 2026, kabilang sa mga sumuko ang limang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG), pitong tagasuporta nito, 15 miyembro ng Communist Front Organization (CFO), isang tagasuporta ng CFO, at dalawang miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO).
Ayon kay PRO 1 Regional Director na si PBGen Dindo R. Reyes, bunga ito ng pinaigting na localized peace engagements at masinsinang intelligence-driven operations ng mga operatiba sa rehiyon. Aniya, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad, lalo na sa mga liblib na lugar, upang tuluyang mabuwag ang impluwensya ng mga armadong grupo.
Patuloy namang palalakasin ng PRO 1 ang kanilang internal security operations upang matiyak na mananatiling mapayapa at maayos ang Ilocos Region laban sa anumang banta ng insurhensiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










