30 Kandidata ng Miss Earth 2018, Dumating na sa Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Lumapag na kaninang umaga sa Cauayan City Airport ang nasa tatlumpung kandidata ng Miss Earth 2018 para sa kanilang gagawing Resorts Wear at Talent Portion Competition sa October 27, 2018 na isasagawa sa bayan ng Echague, Isabela kasabay ng kanilang Mengal Festival.

Inasahan naman ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong araw dito sa Lungsod ng Cauayan dahil sa mahaba-habang convoy ng mga kandidata na dumating dito sa Cauayan City.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Faustino “Inno” Dy V, Liga ng mga Barangay National President at Director General ng Mengal Festival ng Echague, Isabela ay pangunahing bisita umano sa nasabing piyesta ang mga kandidata para sa kanilang Resorts Wear Competition at Talent Portion na gaganapin  sa Banchetto ground ng bayan ng Echague.


Bukod pa rito ay magsasagawa rin aniya ng mga Outreach Programs at Tree Planting ang mga kandidata sa iba’t-ibang lugar dito sa Lalawigan ng Isabela.

Naka all-set na rin umano ang seguriad ng mga kandidata hanggang matapos ang kanilang main event dito sa ating Lalawigan.

Samantala, inihayag rin ni Inno Dy na mas pinipili umano ng mga kandidata na bumisita at gawin dito sa ating lalawigan ang kanilang Resorts Wear at Talent Portion dahil nagustuhan umano ng mga ito ang pagiging hospitable ng mga Isabelino maging ang mga masasarap na pagkain at ganda ng probinsya ng Isabela.

Facebook Comments