PARA MATULUNGAN | DOLE, makikipagugnayan sa DPWH at DOTr, upang mabigyang trabaho ang mga pinauwing OFWs

Manila, Philippines – Makikipagugnayan na rin si Labor Secretary Silvestre Bello III, sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways upang mabigyan ng trabaho ang mga displaced OFWs mula sa Saudi Arabia, na una nang tinulungan ng DOLE na makauwi sa bansa.

Ayon kay Bello, dahil sa DOTr at DPWH, marami ang available na trabaho sa ilalim ng Jobs Jobs Jobs program.

Bukod dito, tutulong rin ang DOLE sakaling nais sumailalim ng mga OFWs sa livelihood training o alternative employment.


Ayon sa kalihim, 100% sa mga displaced OFWs, nang kaniyang tanungin ay nagsabing nais na ring bumalik dito sa Pilipinas, lalo’t nalalapit na ang Pasko, kaya naman minamadali na ng DOLE ang pagpapauwi sa mga ito.

Patuloy rin aniya ang ginagawa nilang pakikipagugnayan sa employer ng mga OFW na Azmeel Contracting Corporation, upang maibigay ang sweldo ng mga ito.

Facebook Comments