30 katao – arestado sa ‘opla n sita’ sa Pandacan, Maynila

65
Manila, Philippines – Pinagdadampot sa “oplan sita” ng mga kagawad ng barangay sa Pandacan, Maynila ang nasa 30 katao kabilang ang ilang menor de edad.
 
Karamihan sa mga inaresto ay nahuling pagala-gala, naglalakad nang nakahubad at umiinom ng alak sa kalsada.
 
May narekober ding tatlong sachet ng marijuana sa isang jeep na pinagtambayan ng mga kabataan sa barangay 863 pero tumanggi ang mga nahuli na pag-aari nila ito.
 
Bagama’t hindi ikukulong ang mga naarestong menor de edad, pagmumultahin pa rin sila dahil sa paglabag sa city ordinance.


Facebook Comments