30 katao, sugatan sa sunog sa West London

202

London – Sugatan ang 30 katao sa sumiklaba na sunog sa 27 palapag na apartment building sa Kensington Borough sa London.

Agad namang isinugod sa limang ospital ang mga biktima.


Ayon sa London Fire Brigade, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng Grenfell Tower hanggang sa umakyat sa pinakataas ng gusali.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung may mga naiwan pa sa nasabing residential tower.
DZXL558

Facebook Comments