30-M essential workers, mababakunahan na sa Hunyo

Aabot sa 30 million Filipino essential workers ang isinama sa A4 priority group na nakatakdang mabakunahan ng COVID-19 vaccine sa Hunyo.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Ma. Teresita Cucueco, sinama na nila sa bilang ang mga nasa pribadong sektor, government employees, informal sector and self-employed, mga BPO employees at ang mga naka-work-from-home.

Nagpaalala naman si National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Ret. Major Gen. Restituto Padilla Jr., sa mga manggagawa na magparehistro na sa kanilang Local Government Units (LGUs) para maiwasan ang overcrowding sa mga vaccination site.


Facebook Comments