30 MAHIHIRAP NA PAMILYA SA BRGY. ANDARAYAN DITO SA LUNGSOD NG CAUAYAN, INABUTAN NG TULONG NG PNP

Cauayan City, Isabela- Tatlumpung pamilya mula sa barangay Andarayan dito sa Lungsod ng Cauayan ang tumanggap ng tulong mula sa PNP Cauayan bilang bahagi ng kanilang Community Outreach program.

Pinangunahan muli ni Plt Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Cauayan City Police Station ang pamamahagi ng Grocery items sa mga less fortunate family o pamilyang kabilang sa poorest of the poor sa nabanggit na barangay.

Naging katuwang naman ng PNP Cauayan sa pamamahagi ng grocery items at meryenda sa mga piling benepisyaryo ang Cauayan City Nutrition Office na pinamumunuan ni Ginang Mary Jane Yadao na kung saan ay layunin ng programa na kahit papaano ay matulungang maitawid sa gutom ang mga pamilyang mahihirap lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ito ay para mas mapalalim at mapaganda rin ang relasyon ng kapulisan sa komunidad.

Samantala, bukod sa pamimigay ng tulong ng PNP Cauayan sa mga residente ng brgy Andarayan ay nagsagawa rin ang kapulisan ng lecture sa mga dumalong constituents na kung saan ay tinalakay ng ating kapulisan ang mga sumusunod gaya ng tungkol sa Republic Act 8353 o mas kilala sa tawag na “The Anti-Rape Law of 1997”, R.A 9262 o “Anti-Violence Against Women And their Children Act of 2004”, at RA 11313 o “Safe Spaces Act”.

Kasali rin sa tinalakay ng PNP Cauayan sa lugar ang kanilang kampanya kontra iligal na droga ganun din ang tungkol sa NTF-ELCAC at tungkol sa kanilang mga ginagawang paghahanda para sa ligtas at mapayapang 2022 national and local elections.

Ang naturang aktibidad ng PNP Cauayan ay bahagi pa rin ng kasalukuyang buwan ng mga kababaihan na may temang “We Make Change, Work for Women, Agenda ng Kababaihan Tungo sa Kaunlaran”.

Ayon pa kay PLt Topinio, kahit na matapos ang Womens Month ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagbisita sa mga barangay dito sa Lungsod para sa paglelecture at pamamahagi ng grocery items sa mga less fortunate families.

Facebook Comments