Cauayan City Isabela- Nagbigay ng Livelihood kits ang Department of Trade and Industry (DTI) Isabela sa ilalim ng Livelihood Seeding Program- Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) Program kung saan 30 Market vendors ang nabenepisyuhan mula sa bayan ng Cabagan at Tumauini nitong Lunes, Disyembre 20, 2021.
Binubuo ng digital weighing scale, calculator, at isang bag ang nilalaman ng livelihood kits kung saan malaking tulong ang mga ito upang masunod ang tamang timbang at sukat ng kanilang paninda.
Isinusulong naman ang ethical business practices na susi sa pagkamit ng tiwala ng mga mamimili at pagpapalakas sa ekonomiya sa hilagang Isabela.
Kaugnay nito, nagsagawa din ang DTI Isabela ng Business Forum kasama ang mga benepisyaryo upang pag-usapan ang fair trade laws na dapat sundin ng mga business owners upang maiwasan ang akusasyon at posibleng parusa.
Samantala, itinampok naman ni DTI Provincial Director Sofia Narag ang diwa ng ‘Pattaradday’ kung saan tiniyak na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng kapakanan ng mga consumer.