30 na Positibo sa COVID-19, Naitala sa Lambak ng Cagayan

Cauayan City, Isabela- Tatlumpong (30) katao ang naitalang panibagong nagpositibo sa COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Mula sa 30 new COVID-19 cases, isa (1) ang naitala sa probinsya ng Cagayan, dalawa (2) sa Isabela habang 27 sa Santiago City.

Dahil dito, umakyat sa 3,505 ang total confirmed cases sa rehiyon kung saan 330 ang aktibo.


Kasabay ng pagkakatala sa mga bagong kaso, gumaling naman sa sakit ang labing pitong (17) tinamaan ng sakit.

Pito (7) ang naiulat na gumaling sa lalawigan ng Cagayan habang lima (5) sa Isabela at Lungsod ng Santiago.

Aabot naman sa 3, 123 ang total recovered cases ng region 2 at mayroon nang 52 na death cases.

Ang probinsya ng Cagayan ay mayroon ng total cases na 912, pinakamarami sa Isabela na may 1,721, sumunod ang Nueva Vizcaya na may 656, umakyat naman sa 204 ang total cases ng Santiago City, sampu (10) sa Quirino ngunit tatlo na lamang ang aktibo habang nanatiling COVID-19 ang Batanes matapos makarekober ang dalawang naunang nagpositibo.

Facebook Comments