30% ng populasyon ng bansa, target na mabakunahan ngayong buwan

45

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 30% ng populasyon ng Pilipinas hanggang katapusan ng Agosto.

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., sa ngayon ay nasa 15% na ng kwalipikadong populasyon ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Maliban dito, target din aniya nila na bakunahan ang nasa 50% ng residente ng Metro Manila para maabot ang population protection sa gitna ng banta ng Delta variant.


Una nang sinabi ni Galvez na target nilang makapagbakuna ng 750,000 hanggang 1 milyon kada araw para maabot ang herd immunity ngayong taon.

Facebook Comments