Kalahating milyong piso, inihahanda na para kay former Olympian ‘Onyok’ Velasco

Inihayag ngayon ni Committee on Sports Chairman Senator Christopher “Bong” Go na inihahanda na ng Office of the President ang P500,000 na financial assistance para sa dating boksingero na si Mansueto ‘Onyok’ Velasco.

Ito ay matapos manalo ng silver medal noong 1996 Summer Olympic Games pero hindi buong natanggap ang kaniyang mga insentibo.

Ayon kay Go, ang nasabing halaga ay tulong kay Velasco at pagkilala sa karangalang naibigay nito sa bansa at sa pagiging inspirasyon din sa kasalukuyang mga atleta.


Panawagan naman ng opisyal sa mga nangangako ng pabuya na tuparin nila ito at huwag paasahin ang mga atleta na nagsisikap, nagsasakripisyo at halos nagbubuwis ng buhay upang mabigyan ng dangal ang ating bansa.

Facebook Comments