30 pamilya, inilikas sa Lemery, Batangas dahil sa walang tigil na pag-ulan

82

Mahigit 30 pamilya mula sa Barangay Palanas sa Bayan ng Lemery, Batangas ang inilikas dahil sa walang tigil na pag-ulan dala ng habagat.

Ayon sa Lemery Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), bagama’t hindi pa kataasan ang baha, kinailangan nang ilikas ang mga residente dahil inaasahang tataas pa ang lebel ng tubig sa lugar.


Sa kasalukuyan, nananatili ang mga lumikas na residente sa covered court ng Lemery kung saan nag-tayo ng modular tents ang lokal na pamahalaan.

Tiniyak naman ng MDRRMO na nasusunod ang physical distancing sa evacuation center lalo na’t mayroon pa ring pandemya.

Inaasahan naman ng Lemery Local Government Unit (LGU) na madaragdagan pa ang mga ililikas na residente kung hindi titigil ang pag-ulan.

Facebook Comments