Mga Pilipino sa Malaysia, ligtas sa banta ng COVID-19 Delta variant

32

Tiniyak ni Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose na ligtas sa banta ng COVID-19 Delta variant ang mga Pilipino sa Malaysia.

Ayon kay Jose, walang mga Pilipino ang humingi ng saklolo sa embahada ng Pilipinas para magpa-ospital.


Ito ay dahil maaaring nabigyan na ng libreng ayuda ng Malaysian government ang mga Pilipino na tinamaan ng naturang sakit.

Sa ngayon, simula nang mag-umpisa ang pandemya sa COVID-19 noong nakaraang taon, umabot na sa 1,135 Pilipino sa Malaysia ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan sa naturang bilang, 13 ang nasawi.

Inihayag naman ni Jose na nasa ilalim na ng national recovery program bilang kanilang exit strategy ang Malaysia sa gitna ng banta ng Delta variant.

Facebook Comments