30 Piraso ng Pinutol na Kahoy, Narekober sa Kagubatan

Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga awtoridad ang inabandonang mga kahoy sa Barangay Curva, Pamplona, Cagayan.

Ayon sa police report, nagtungo sa Sitio Banurbur ang mga tauhan ng Pamplona PS sa pangunguna ni PCpt. Marlou Del Castillo, Officer-in-Charge katuwang ang 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company na nakabase sa Brgy. Curva sa pamumuno ni PltCol. Ramil Alipio, Force Commander.

Sa isang matarik na gubat, natunton ang nasa 30 piraso ng mga kahoy na tinatayang higit kumulang 600 board feet.


Agad namang ipinasamakay ng mga awtoridad sa CENRO Sanchez Mira ang nasabing mga pinutol na kahoy sa lugar.

Patuloy naman ang ginagawang pag-iikot ng mga awtoridad para maiwasan ang kaliwa’t kanang iligal na pamumutol ng kahoy.

Facebook Comments