PCG, patuloy ang paglilinis sa Boracay kasunod ng pagbubukas sa mga turista

Patuloy ang paglilinis ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Boracay Island sa Malay, Aklan sa harap ng pagbubukas ng isla sa mga turista.

Sa harap din ito ng pagbangon ng industriya ng turismo sa bansa matapos ang ilang buwang pagsasara dahil sa COVID-19 lockdown.

Partikular na ginawa ng mga tauhan ng PCG ang underwater clean-up activity sa Angol Point, Barangay Manoc – Manoc, Boracay Island.


Katulong ng PCG sa paglilinis sa isla ang Local Government Units (LGUs) at ilang private organizations na nagsusulong ng marine environmental protection.

Facebook Comments