Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan ngayon ang awarding ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP Cash Assistance para sa mga rebel returnees sa 95th Infantry Battalion sa bayan ng San Mariano, Isabela.
Personal itong sinaksihan nina Isabela Governor Rodito Albano III, DILG PD Corazon Toribio at 5ID Commander Maj. General Pablo Lorenzo.
Kasama din sa mga sumaksi sina San Mariano Mayor Edgar Go, 95th IB Commander Col. Gladiuz Calilan at 86th IB Commander Col. Ali Alejo, 502nd Brigade Commander Gen. Laurence Mina at PNP PD Col. James Cipriano.
Umabot sa 30 na mga nagbalik loob na NPA ang tumanggap ng tig 15 libong piso (Php15,000.00) na cash assistance.
Labing isa (11) dito ay mga regular member ng armadong pakikibaka at 19 ang mga kasapi ng Milisyang Bayan ng Partido Komunista ng Pilipinas.
Dalawampu’t pito (27) sa mga ito ay sumuko sa 95th IB samantalang tatlo ang sumuko sa 86th IB.
Maliban sa 15 libong cash assistance, makakatanggap din ng 50 libong halagang livelihood project ang mga regular na kasapi ng NPA.