Nakapagtala ng 345 na pagyanig ang Masbate na bahagi ng aftershocks ng magnitude 6.6 na lindol na tumama doon noong Martes.
Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), pinakahuling naitalang pagyanig ay bandang alas-7:08 kaninang umaga na may lakas na magnitude 3.3 sa layong dalawang kilometro timog silangan ng Cataingan, Masbate.
Nakapatala ang PHIVOLCS ng mga lakas ng pagyanig na mula magnitude 1.6 hanggang 5.1 gayundin ng labing siyam na intensities.
Sa pagtaya ng PHIVOLCS, maaaring magtagal pa ng ilang linggo ang nararansang aftershocks sa naturang lalawigan.
Facebook Comments