300 benepisyaryo sa San Juan, makatatanggap ng Livelihood Assistance Grant mula sa DSWD

Inihayag ng San Juan City Government na 300 mga benepisyaryo ng Livelihood Assistance Grant mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang makatatanggap ng ayuda sa San Juan Elementary School Gym.

Layon ng programa na mabigyan ng tulong pinansyal ang low-income families o mga may-ari ng mga maliliit na negosyo na naapektuhan ng pandemya.

Mismong si San Juan City Francis Zamora ang nanguna sa pamamahagi ng nasabing tulong pinansyal.


Tinatayang 300 mga benepisyaryo ang mabibigyan ng tig-P10,000 tulong pinansyal.

Nanawagan naman si Mayor Zamora sa mga benepisyaryo na gamitin nang maayos at pangdagdag na puhunan sa kanilang mga negosyo ang tulong pinansyal.

Facebook Comments