Nasa 300 brand ng lokal at imported na sukang ibinebenta sa bansa ang sinusuri ngayon ng Department Of Health (DOH).
Kasunod ito ng inilabas na pag-aaral ng Philippine Nuclear Research Institute kung saan 80-percent ng mahigit 300 brand ng suka na sinuri nila ay peke at hindi gawa sa mga natural na sangkap.
Ayon kay DOH Usec. Rolando Domingo, inuunang suriin ng ahensya ang mga local brand at target na mailabas ang resulta nito sa susunod na linggo.
Gayunman, tumanggi siyang pangalanan ang mga nabanggit na brand ng suka.
Paglilinaw ni Domingo,wala namang masamang epekto sa kalusugan ang synthetic acetic acid pero ipinagbabawal ito sa bansa.
Samantala, bukod sa suka. Target din ng pnri na suriin ang mga brand ng toyo, ketchup at patis.
Facebook Comments