Consumers group, umapela sa DOH na pangalanan ang mga brand ng suka na masusuring peke

Nananawagan ang isang consumer group sa Department Of Health (DOH) na isapubliko ang mga brand ng suka na mapapatunayang peke at may sangkap na synthetic acetic acid.

 

Giit ni laban konsyumer Atty. Vic Dimagiba, dapat na pagpaliwanagin ang mga kompanya kung bakit natural ingredients ang inilalagay nila sa label gayong may halo pala itong synthetic acid.

 

Aniya, malinaw na paglabag ito sa consumer act.


 

Nauna nang sinabi ng DOH na bawal ang sangkap na synthetic acid sa suka kaya posibleng matanggalan ng business permit o lisensiya ang mga kompanyang lumabag dito.

Facebook Comments