300 COCONUT SEEDLINGS, ITINANIM SA DAGUPAN KASABAY NG NATIONAL COCONUT WEEK

Itinanim ngayong umaga ng Lunes, Disyembre 8 sa Dagupan City ang 300 coconut seedlings sa isinagawang tree planting activity bilang bahagi ng paggunita sa 39th National Coconut Week, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod at Philippine Coconut Authority (PCA).

Layunin ng aktibidad, na may temang “Niyog: Ginto ng Kabukiran, Hatid ay Kabuhayan, at Sandigan sa Kaunlaran ng Bayan,” na maipakita ang kahalagahan ng mga punong niyog sa pang-araw-araw na kabuhayan at kabuhayan ng komunidad.

Sa tulong ng City Agriculture Office, kasama ang mga lokal na grupo at organisasyon, matagumpay na naitanim ang mga punla bilang hakbang din sa proyektong gawing Eco-Tourism park ang 60-year-old dumpsite ng siyudad.

Ayon sa alkalde, mahalaga ang inisyatibong ito upang mapakinabangan ng susunod na henerasyon ang mga itinanim at higit pang maisulong ang kaunlaran sa pamamagitan ng makakalikasang proyekto.

Ipinahayag naman ng PCA ang patuloy nitong suporta sa mga programa ng siyudad kaugnay ng pagpapalago at pangangalaga sa industriya ng niyog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments