Iniimbistigahan na ngayon ng pamahalaan ang nasa 300 doses ng COVID-19 vaccine na napabayaang naiwan sa hindi nakasaksak na freezer sa Cotabato.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ini-evaluate na nila kung paano nangyari at napabayaang iniwan sa hindi nakasaksak na freezer ang mga nasabing bakuna.
Giit ni Galvez, posibleng managot dito ang city and provincial health office lalo na’t responsibilidad nila ang kaligtasan at kaayusan ng bakuna.
Aniya, tungkulin nila na every 6-hours ay tini-tignan kung nasa maaayos na kondisyon ang mga bakuna sa kanilang storage.
Facebook Comments