COVID-19 vaccines na nadamay sa paglubog ng bangka sa Polillo, Quezon, magagamit pa!

19

Inihayag ngayon ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na magagamit pa ang dalawang box ng COVID-19 vaccines sa Polillo, Quezon.

Ito ay matapos na tumaob ang bangkang sinasakyang ng nasabing bakuna kahapon ng umaga sa karagatang sakop ng barangay Ungos sa bayan ng Real.


Ayon kay Galvez, nabalot ng plastic ang box ng bakuna kaya hindi ito nabasa at maaari pang gamitin.

Batay sa report ng Philippine Coast Guard, alas 7:55 ng umaga kahapon nang tumaob ang service boat ng Department of Agriculture kung saan sakay ang nasabing bakuna, dalawang personnel ng Department of Health, 2 police officers ng municipal police station ng Polillo, kapitan ng bangka at tauhan nito.

Agad naman narescue ang mga sakay nito na ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan.

Facebook Comments