300 doses ng Sinovac anti-COVID vaccine, naibigay na rin sa Novaliches District Hospital sa Quezon City

Naipasakamay na sa Novaliches District Hospital sa Novaliches, Quezon City ang 300 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Bahagi pa rin ito ng nagpapatuloy na malawakang rollout ng bakuna para sa mga health workers sa bansa.

Ito na ang pangatlong government hospital sa lungsod ng Quezon na nabigyan ng alokasyon ng Department of Health (DOH) ng anti-COVID vaccine.


Ayon sa pamunuan ng hospital ang mga nasabing bakuna ay ibibigay sa mga kwalipikadong healthcare workers.

Kabilang sa unang binakunahan ng Sinovac na donasyon ng China ay mga doktor at opisyales ng Novaliches District Hospital na kinabibilangan nina Dr. Lyndon Bautista at Dr. Ellen Santos.

Facebook Comments