Manila, Philippines – Tinatayang aabot sa higit 300 libong piso ang halaga ng marijuana ang naharang ng Bureau of Customs Enforcement Group sa Central Mall Exchange Center warehouse sa Pasay City.
Base sa ulat ng Customs, makaraang inspeksyunin ang package, dito na natagpuan ng kanilang mga tauhan ang 1 libong gramo ng mga pinatuyong dahon ng marijuana.
Nagmula pa sa isang Minerva Thomas ng California, USA ang naturang package na ipadadala dapat sa isang nagngangalang Tyrone sa Bacoor, Cavite.
Agad na naaresto si Tyrone na nahaharap sa kasong Paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act of 2016, at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments