Pagpatay sa isa sa limang person of interest sa San Jose Del Monte Massacre malaki ang epekto sa kaso, ayon sa PNP

325

Manila, Philippines – Nagulat ang San Jose Del Monte-PNP ng nalaman na patay na ang isa sa persons of interest na isinasangkot sa masaker sa pamilya Carlos sa barangay Santo Cristo.

Si Ronaldo Pacinos, alyas inggo ay may limang saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan, putol ang apat na daliri at nakapalupot ng belt ang leeg ng matagpuan kahapon sa bahagi ng Palmera drive, phase 7, barangay Sto. Cristo.

Ayon kay Police Supt. Fitz Macariola, acting Chief of San Jose Del Monte, Bulacan – pinaghahanap nila si Pacinos matapos itong ikanta ng suspek na si Carmelino Ibañes, kaya nagulat na lamang sila ng nakita na ito ay patay na.


Aminado si Macariola na malaking kabawasan ang pagkamatay ni Pacinos lalo nat hindi pa nila direktang nakikita ang partisipasyon nito sa kaso.

Patuloy din ang paghahanap ng mga otoridad sa isa pang person of interest na si Alvin Mabesa.

Facebook Comments