Sinisilip na ng Philippine labor authorities ang pagpapalikas sa 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel sa gitna ng pagpapaulan ng Palestinian rockets sa lugar.
Ayon kay Philippine Labor Attaché in Israel Rudy Gabasan, sakaling sumiklab ang giyera sa lugar ay handa nilang ilikas ang mga OFW doon.
Bukod sa 300 Pilipinong manggagawa, balak din nilang sagipin ang 10 Pilipinong nasa Palestine-controlled Gaza Strip.
Wala pang naiuulat na Filipino casualties sa bakbakan sa pagitan ng Israelis at Palestinians.
Nakipag-usap na sila sa ilang parokya at hotel associations para magbigay sa mga Pilipino ng pansamantalang matutuluyan sakaling magkaroon ng evacuation.
Naka-standby na rin ang rapid response team.
Patuloy rin silang nakikipag-ugnayan sa local Filipino community leaders habang mino-monitor ang sitwasyon.
Nabatid na nasa 29,700 OFWs ang nasa Israel.