Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Gov. Jerry Dalipog, ilan sa mga alagang hayop gaya ng baboy at mga motorsiklo naman ang tinangay ng rumaragasang tubig bunsod ng matinding ulan.
Aniya, maswerteng walang naitalang casualty sa lugar maliban sa tatlong indibidwal na nasugatan at kalauna’y nalapatan rin ng lunas habang nagpapagaling naman.
Kaugnay nito, naipamahagi na ng 500 family food packs ang DSWD Cordillera para tugunan ang sitwasyon ng bawat pamilya sa lugar.
Ayon sa opisyal, posibleng apektado rin umano sa kalamidad ang Banaue Rice Terraces.
Kasalukuyang walang kuryente sa bayan dahil maraming poste ang nasira.
Patuloy naman ang pamamahagi ng Banaue LGU ng relief goods sa mga apektadong pamilya. Isinagawa na rin ang forced evacuation sa mga lugar na labis na apektado sa insidente.
Sa pinakahuling report, ang Banaue -Mayoyao-Alfonso Lista-Isabela Boundary Road sa Barangay Poitan ang maaari nang madaanan.