300 Sundalo ng 5ID, Babakunahan Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Anumang oras ngayong umaga, Marso 16, 2021 ay sisimulan na ang pagbabakuna sa 300 medical staff, Command personnel at sa mga military police ng 5th Infantry ‘Star’ Division na isasagawa sa covered court ng 5ID sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Bago bakunahan ang mga kabilang sa 300 na prayoridad ng 5ID ay sasailalim muna ang mga ito sa screening.

Maging ang mga dadalong indibidwal kabilang ang mga media ay isasailalim muna sa antigen test na kung saan isang kasapi ng lokal na mamamahayag ang nagpositibo.


Agad namang inaysolate ang nagpositibo sa antigen test at nakatakdang isailalim sa swab test.

Dumating lamang kahapon, Marso 15, 2021 ang 600 doses ng Sinovac vaccines na laan para sa mga sundalo ng 5ID na isinakay sa Blackhawk ng Phil. Air Force.

Facebook Comments