3,000 pesos na taunang World Teacher’s Day Incentive Benefit, isinulong sa Kamara

Mula sa kasalukuyang 1,000 pesos ay pinapataasan ni Makati City Rep. Luis Campos Jr., sa ₱3,000 ang taunang “World Teacher’s Day Incentive Benefit” para sa pampublikong guro sa bansa.

Sa inihaing House Bill 7840 ay binigyang diin ni Campos na marapat madagdagan ang incentive benefits ng mga guro sa ilalim ng Department of Education o DepEd bilang sukli sa kanilang malaking ambag sa sektor ng edukasyon sa ating bansa.

Layunin ng panukala ni Campos, na masiguradong mabibigyan ng sapat na kabayaran at iba pang benepisyo ang mga guro para ganahan silang magtrabaho at manatili sa ating bansa.


Ang incentive benefit ay ibinibigay sa mga public school teachers tuwing Oct. 5 ng bawat taon, o paggunita sa World Teachers’ Day.

Taong 2019 ng unang ipinagkaloob sa mga guro ang incentive benefits na may inisyal na pondo na P800 million habang sa 2023 General Appropriations naman ay nilaanan ito ng P900 million.

Facebook Comments