Mahigit ₱1-M halaga ng puslit na sigarilyo, nasabat ng CIDG

Naharang ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang truck na naglalaman ng 70 kahon ng puslit na sigarilyo.

Ayon kay PNP-CIDG Director PBGen. Romeo Caramat Jr., naharang ang kontrabando kasunod ng ikinasang operasyon ng CIDG Davao City Field Unit at ng Bunawan Police Station sa Maharlika Highway sa Brgy. Ilang, Davao City.

Kasama sa mga naarestong suspek ang 2 menor de edad at 6 na kalalakihan matapos mahuli sa akto na naghahakot ng kahon-kahong sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱1,2-M at walang kaukulang permit.


Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act gayundin sa paglabag sa Republic Act 10643 o Tobacco Graphic Warning Act ang mga nahuling suspek.

Habang hawak na ng Bunawan Police Station ang mga nasagip na menor de edad.

Facebook Comments