Mapupunta sa upcycling activities ng Bacnotan, La Uniong ang nalikom na higit 3,000 plastic bottles mula sa idinaos na ZumBASURA sa bayan.
Gagawing bag at pouch ang mga bote na isa sa isinusulong na recycled product ng bayan.
Layunin na ma-isulong sa bayan ang environmental sustainability mula sa management ng basura, paglilinis sa mga karagatan at pagtatanim ng mga bakawan sa mga coastal areas.
Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga kabataan sa aktibong pakikiisa sa environmental efforts bilang produktibong aktibidad na madadala sa mga darating na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments