3,000 TNVS drivers na naapektuhan ng deactivation sa prankisa, nakapag submit na ng kanilang dokumento

Nasa 3000, mga drivers ng transport network vehicle service ang nakapag-submit na ng kanilang dokumento matapos ang pagdeactivate sa prangkisa ng 8,000 TNVS drivers.

 

Ito ay matapos payuhan ng Department Of Transportation (DOTr) ang mga driver ng transport network vehicle service na mag-apply ng kanilang mga prangkisa.

 

Ayon sa DOTr, importante ang safety at security ng riding public kaya mahalaga na magkaroon ng proper registration ang mga drivers ng TNVS.


 

Nabatid na base sa record ng LTFRB mayroong 40,522 na TNVS units ang nabigyan ng Certificate Of Public Convenience (CPC) at mayroong 29,714 units ang nakakuha ng Provisional Authority (PA).

 

Sa interview ng RMN Manila kay Grab spokesperson Nicka Hosaka, nasa 5,000 TNVS drivers nalang ang hindi pa nakakapag pasa ng kanilang mga papeles.

 

Dagdag pa ni Hosaka, na maari pa rin silang makapag-apply sa kanilang tanggapan lalo na sa mga hindi nakapag pasa ng kanilang application kung willing silang mag-apply muli.

Facebook Comments