30,000 na benepisyaryo sa iba’t ibang bahagi ng bansa, nakatanggap ng certificate of house and lot ngayong araw; isang milyong bahay kada taon, target ng administrasyong Marcos hanggang sa 2028

Courtesy: RTVM

Nasa 30,000 na benepisyaryo sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakatanggap ng certificate of house and lot ngayong araw.

Ito ay kasunod sa target ng administrasyong Marcos na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon para sa pamilyang Pilipino hanggang sa 2028.

Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Department of Human Settlements and Urban Development o (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang ceremonial turnover ng 30,000 housing units sa Naic, Cavite.


Inilaan ng pamahalaan ang libreng pabahay para sa mga dating rebelde, mahihirap na pamilyang Pilipino at iba pang kwalipikado.

Ang bawat housing unit ay may sukat na 26 square meter floor area at may karagdagang sa likod na 8 square meter service area.

Facebook Comments