30,000 na mga kawani ng Hudikatura, kasama na sa priority list ng babakunahan kontra COVID-19

Kasama na ang mga opisyal at tauhan ng Korte Suprema sa susunod na mababakunahan kontra COVID-19.

Ito ay matapos aprubahan ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na mapasama ang mga kawani ng korte sa A4 priority list na kinabibilangan ng essential workers sa frontline sectors gayundin ng uniformed personnel gaya ng mga sundalo at pulis.

Kabilang sa mga mababakunahan na ang mga mahistrado, mga hukom at iba pang tauhan ng korte mula sa Supreme Court, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at mga trial courts.


Ayon kay Acting Chief Justice Estela Bernabe, essential o mahalaga ang trabaho ng mga nasa hukuman dahil sa bahagi sila sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments