Mga tauhan ng Police Station 5 sa Angeles City, Pampanga, sinibak matapos masangkot sa prank video

Tinanggal na sa pwesto ang mga tauhan ng Police Station 5 sa Angeles City, Pampanga, na umanoy sangkot sa prank video nitong April 1.

Iniutos mismo ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin ang pagsibak sa mga pulis.

Sa isang video, makikita ang 2 pulis na nag-escort ng lalaki sa loob ng patrol car.


Yun pala ay prank lang ito dahil sa April Fools Day at hindi lehitimong operasyon.

Sasampahan ng kasong administratibo ang mga pulis dahil sa paglabag sa health protocol, maging ang entertainment organization na sangkot din sa prank.

Nakarating na rin kay Police Brig. Gen. Val de Leon, Regional Director ng Central Luzon Police ang insidente at agad na ipinag-utos ang imbestigasyon sa insidente.

Kinundena nya rin ang nangyari lalo’t nahaharap tayo sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments