300,000 doses ng Moderna vaccine. darating na sa Pilipinas sa June 21

Inaasahang darating na sa Pilipinas sa ika-21 ng Hunyo 2021 ang karagdagang 300,000 doses ng Moderna vaccine.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez matapos ang ulat na bumili ang Pilipinas ng 20 million doses ng bakuna mula sa Moderna, isang American brand.

Ayon kay Romualdez, sa nasabing bilang 13 milyon ang binayaran ng pamahalaan sa bakuna at 7 milyon naman ang binayaran ng pribadong sektor.


Base sa naging pag-aaral ng Food and Drug Administration (FDA), ang Moderna ay mayroong efficacy rate na 94% matapos ang human trials at maaaring iturok sa mga edad na 18 pataas.

Inaasahang magtutuloy-tuloy naman ang pagbibigay ng donasyong bakuna ng Estados Unidos sa global aid initiative COVAX Facility sa oras na ma-meet nito ang kanilang target na herd immunity sa Hulyo 4.

Ang Pilipinas ay isa sa “low- and middle-income countries” na sine-serbisyuhan ng COVAX, na naglalayong tiyakin ang equal access sa COVID-19 vaccines.

Facebook Comments